Paano Malalampasan ang Mahigpit na Kumpetisyon ng Online Selling
Ano-ano ang mga tips para malampasan ang mahigpit na kumpetisyon ng iyong online selling?
- Magkaroon ng malinaw na layunin
- Magbahagi ng natatanging nilalaman
- Gamitin ang tamang social media platform
- Huwag matakot na mamuhunan
- Magbigay ng magandang customer experience
- Magkaroon ng magandang personalidad at branding
Isa ka ba sa mga negosyanteng nasa larangan ng online selling? Kung gayon, malamang na natutunan mo na hindi biro ang patuloy na paglago ng kompetisyon sa mundo ng online selling. Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay nagdulot ng pagbabago sa paraan ng mga tao sa pagbili at pagbebenta lalo na noong umusbong ang pademya at maraming mas naging bukas sa pagbili online. Kaya't nararapat na alamin natin kung paano malalampasan ang mahigpit na kumpetisyon ng online selling. Narito ang ilang mga tip:
Magkaroon ng Malinaw na Layunin
Gaya ng kahit anong negosyo, mahalaga na magkaroon ka ng malinaw na layunin. Ito ay magsisilbing gabay sa kahit ano mang hakbang na iyong gustong tahakin sa iyong negosyo. Ito rin ang magsisilbing outline sa sistema ng iyong pagbebenta.
Una, tanungin mo ang iyong sarili: Ano ang produkto o serbisyo na nais kong ibenta? Maaring ito ay mga produkto sa larangan ng fashion, elektroniko, pagkain, o kahit ano pang kategorya. Sa pamamagitan nito, masusuri mo kung mayroon itong potensyal na magustuhan at mabili ng mga online na mamimili. Mas mapapadali rin ang iyong pagresearch kung ito ba ay may malaking demand online.
Pangalawa, kilalanin ang iyong target market. Sino ba ang iyong mga pangunahing customer? Alamin mo ang kanilang demograpiko, interes, at pangangailangan. Halimbawa, kung ang iyong produkto ay pang-estudyante, ang iyong target market ay maaaring mga mag-aaral sa kolehiyo o high school. Sa pamamagitan ng pagkilala sa iyong target market, mas mapagtutuunan mo ng pansin ang iyong marketing at promosyon, at mas mahahatiran mo sila ng tamang mensahe at halaga.
Panghuli, magtanong sa iyong sarili kung ano ang iyong pangunahing layunin. Gusto mo bang kumita ng malaking kita? Gusto mo bang magkaroon ng pangmatagalang negosyo? Gusto mo bang makatulong sa iba? Ang pagtukoy sa iyong pangunahing layunin ay magbibigay-daan sa iyo na magfocus sa mga hakbang na nagdudulot ng pinakamalaking benepisyo para sa iyo at sa iyong negosyo. Ito rin ang magiging batayan mo sa paggawa ng mga desisyon at paghahanda sa mga hamon na maaaring dumating sa iyong paglalakbay.
Magbahagi ng Natatanging Nilalaman
Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa iyong produkto ang iyong magiging malaking lamang laban sa iyong mga kakompetensya. Ang nilalaman na iyong ibabahagi ay maaaring magkabilang mga blog post, mga update sa mga social media, mga video, o anumang iba pang platform sa online.
Bukod dito ay mahalagang siguraduhin na ang mga nilalaman na iyong ibabahagi ay nakahihilig at nagtataglay ng kakaibang pagkakawilihan. Maaaring ito ay kasama ng mga magagandang larawan, makulay na mga infographic, o maaaring mayroong nakakapukaw na pamagat at abot-kayang estilo ng pagsulat. Ang pangunahing layunin ay upang magkaroon ng mataas na engagement at pansin mula sa iyong target market.
Gamitin ang Tamang Social Media Platform
Ang mga social media platform ay isang epektibong paraan upang maabot ang malawak na bilang ng mga tao at magamit ito para sa iyong online selling dahilan kung bakit mas mabilis ang kita sa online selling kumpara sa tradisyonal na pagtitinda. Gayunpaman, mahalagang malaman na hindi lahat ng social media platform ay pantay-pantay na kapaki-pakinabang para sa iyong negosyo, at ito ay isa sa mga karaniwang pagkakamali ng ilang mga online sellers.
Upang makamit ang pinakamahusay na resulta, mahalaga na alamin kung saan madalas gumamit ang iyong target market at doon ilagay ang iyong mga pagsisikap at mga nilalaman.
Halimbawa, kung ang iyong target market ay mas aktibo at engaged sa mga visual na nilalaman, tulad ng mga larawan at video, maaaring mas epektibo ang paggamit ng Instagram at Tiktok. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga tamang hashtag at paglikha ng maganda at kaakit-akit na mga visual na nilalaman, maaari kang maabot ang malawak na bilang ng mga potensyal na customer sa.
Mahalagang isaalang-alang ang pagkakaroon ng malawak na pang-unawa sa mga pagkakaiba-iba ng bawat social media platform at alamin kung aling platform ang pinakamainam na kumonekta sa iyong target market. Maari rin na ika’y magsaliksik pa sa iyong mga target market at alamin anong oras sila aktibo sa paggamit ng mga social media na at mag-eksperimento kung anong mga content ang mas maraming views at engagements.
Huwag Matakot Mamuhunan
Kapag nalaman mo na ang tamang platform at mayroon ka nang malinaw na layunin, panahon na upang maglagay ng puhunan sa iyong negosyo. Isa sa mga karaniwang pagkakamali ng ilang online sellers ay ang kakulangan nila ng sapat na kaalaman sa digital marketing. Ito ang mahalagang susi sa tagumpay ng iyong online selling.
Dati, ang mga negosyo ay naglalagay ng mga flyers o malalaking poster bilang kanilang paraan ng pag-aadvertise. Ngunit sa mundo ng online, bawat negosyo ay may sariling paraan ng pagpopromote.
Ang mahalagang bagay dito ay huwag matakot mamuhunan, dahil ang makabagong digital presence ay magbibigay-daan sa iyo upang makamit ang malaking kita. Pag-aralan ang mga bagong teknolohiya at mga estratehiya sa digital marketing na maaaring tumulong sa iyong online selling.
Maaari kang magbenta sa kahit anong parte ng Pilipinas gamit ang produkto mula sa ibang bansa gaya ng China. Maghanap ng maasahang freight forwarder dahil dito madadagan pa iyong produkto o serbisyo at mas mapapadali ang iyong shipment at pag-imbak ng mga produkto. Mas mapapadali rin ang pagpapalawak ng iyong negosyo.
Magbigay ng Magandang Customer Experience
Siguraduhin na ang iyong mga customer ay nasisiyahan sa iyong mga produkto o serbisyo. Magbigay ng mataas na kalidad na mga produkto at maging handa sa mga tanong at mga reklamo ng iyong mga customer. Ito ay magbibigay-daan sa mga customer na bumalik at magrekomenda sa iba ang iyong negosyo.
Mabuting magtiwala sa mga mapagkakatiwalaang freight forwarder tulad ng CargoBoss na may malawak na karanasan sa larangan ng freight forwarding at nag-aalok ng abot-kayang mga rate sa pagpapadala.
Magkaroon ng Magandang Personalidad at Branding
Sa tumataas na kompetisyon ng online selling, ang pagkakaroon ng magandang personalidad at branding ang magbibigay-daan sa iyo na makapag-angat sa iba. Maging tunay at tapat sa iyong mga customer, at palaging tandaan na ang pagpapatakbo ng isang negosyo ay hindi lamang tungkol sa pagsusumikap ng kita, kundi pati na rin sa pagtulong sa iba.
Key Takeaway
Sa paglipas ng panahon, patuloy na nagbabago at lumalawak ang mundo ng online selling. Upang malampasan ang mahigpit na kompetisyon, kailangan mong maging handa, mag-aral, at magbago. Itatag ang iyong marka, magbigay ng magandang customer experience, at higit sa lahat, manatiling totoo sa iyong sarili at sa iyong mga pangako. Nawa’y nakatulong ang blog na ito sa pagbibigay ng tips kung paano malalampasan ang kompetisyon ng online selling.
Ang shipping mula sa China patungong Pilipinas ay mas pinadali, salamat sa CargoBoss! Ang pagpili sa aming serbisyo ng pag-i-import ay ang pinakamabilis na paraan upang maipadala ang iyong mga produkto mula sa China patungo sa Pilipinas. Sa aming malaking komunidad at mga eksperto, maaari naming tulungan ang maraming lokal na online sellers sa kanilang mga pangangailangan sa pagpapadala.
Kung ikaw ay may ibang katanungan sa aming serbisyo, maari lamang na mag-iwan ng mensahe sa CargoBoss. Kami ay narito upang maglingkod at tumulong sa iyo. Salamat po!