Magagandang Pakinabang ng Door-to-Door Delivery from China to the Philippines
Anu-ano ang mga benepisyo ng door-to-door delivery mula sa China patungong Philippines?
- Maiiwasan ang red tape
- Kaunting papeles lamang ang kailangang asikasuhin
- Mabilis na paghatid ng package
- Mas maayos ang palitan ng komunikasyon
- Mas mainam ang serbisyo ng padala
Kung babalikan natin ang panahon noon, mahirap paniwalaan na magiging posible ang door to door delivery from China to the Philippines ngayon. Ito’y sa kadahilanang nasanay na ang maraming Pilipino sa pagpunta sa mga post offices o mga delivery centers upang kunin o ipadala ang kanilang mga packages.
Subalit, naging posible na ito’t mas naging madali na ang pagde-deliver ng mga shipping goods ngayon. Ang isa mga pinaka nakikinabang dito ay ang mga eCommerce businesses na gustong kumita sa pamamagitan ng pagbili ng mga items mula sa China. Sa blog na ito, ating tatalakayin ang mga benepisyo ng door to door delivery from China to the Philippines. Magpatuloy lamang sa pagbabasa!
Maiiwasan ang Red Tape
Madalas bumibili ang mga buyers ng maramihang orders upang makatipid sila sa shipping cost. Ngunit, kung sila’y bumibili sa mga third-party shipping platforms, tataas ang presyo ng kanilang shipping. Kung kaya’t may mga pagkakataong sila na lamang ang nagbabayad ng iba pang gastusin sa warehouse storaging, order fulfillment, at pagta-transport ng mga shipment goods mula sa China papasok ng bansa.
Sa pamamagitan ng door-to-door delivery, hindi mo na kailangang bumili ng maraming items ng isang bagsakan. Maliban pa rito, makakaiwas ka rin sa red tape o sa mga harang para maging maayos at mabilis ang pagde-deliver ng iyong shipping goods. Kaya naman dapat mong subukan ang door to door delivery from China to the Philippines upang ikaw ay mas makamura at mabilis mong matugunan ang mga kailangan ng iyong mga customers online.
Kaunting Papeles Lamang ang Kailangang Asikasuhin
Hindi maitatanggi na kailangan mong mag-asikaso ng sangkaterbang mga papeles kung ikaw ay dedepende lamang sa traditional mode of delivery bago mo matanggap ang iyong shipping goods. Hindi nagiging praktikal at epektibo ang proseso nito dahil maaring mawala ang mga papeles, na magdudulot ng sakit ng ulo sa iyo at sa iyong bulsa.
Kaya naman maraming mga online sellers sa Pilipinas ang pumipili ng door-to-door services dahil kakaunting papeles lamang ang kailangan nilang asikasuhin. Ang nasabing serbisyo ay ang pagkuha ng mga packages mula sa warehouse sa China hanggang sa mai-deliver ang mga ito sa mismong address ng kanilang customer.
Mabilis na Paghatid ng Package
Sa tulong ng door-to-door delivery, napipigilan ang pagtatambak ng mga unnecessary items sa loob ng isang storage warehouse dahil ang serbisyong ito’y hindi na binababa ang mga packages sa logistic hub ng isang courier, na madalas nangyayari kung ikaw ay bibili sa mga eCommerce platforms nang walang ka-partner na freight forwarder. Sa makatuwid, dumidiretso na agad ang mga packages sa address ng buyer sa oras na nakarating sa Pilipinas ang mga ito.
Higit pa roon, makakatiyak kang nasa maayos na kondisyon ang mga ito hanggang sa tuluyan mo na silang buksan sa loob ng iyong bahay.
Mas Maayos ang Palitan ng Komunikasyon
Isa rin sa mga kagandahan ng door-to-door delivery ay ang maayos at tuloy-tuloy na komunikasyon ng freight forwarder at ng kanilang customer. May mga freight forwarding companies sa Pilipinas, tulad ng CargoBoss, na sinisigurong nakikipag-ugnayan sila sa kanilang mga customers sa lahat ng mga nangyayari patungkol sa cargo shipment ng kanilang mga packages. Nagiging panatag din ang mga customers na nasa maayos na kalagayan ang kanilang mga packages at ito’s makukuha nila sa labas mismo ng pintuan ng kanilang tahanan.
Kung kaya naman mas tinatangkilik na ng maraming Pilipino ang door-to-door delivery ng kanilang mga packages mula sa China papasok sa bansa dahil sigurado sila na may maasahan silang mga freight forwarding companies dito.
Mas Mainam ang Serbisyo ng Padala
Panghuli, pansin na ng maraming Pilipino na mas mainam ang door-to-door delivery ng mga freight forwarders dahil alam nila ang mga uri ng packages, tulad ng paperboard-box package, corrugated-box packages at iba pa, na angkop sa mga items na kanilang binili sa China. Ito’y dahil may malawak silang kaalaman patungkol sa kung ano ang nararapat na uri ng packaging ang dapat isagawa sa mga goods ng kanilang mga customers.
Halimbawa, kung ang iyong mga biniling produkto mula sa isang Chinese supplier ay madaling mabasag, kailangan itong balutan ng mga bubble wrap, pad foam, at ilagay sa loob ng paperboard box upang hindi ito mabasag.
Sa makatuwid, subok at maasahan na ang mga door-to-door delivery services mula sa China patungong Pilipinas kung kaya’t maraming Pilipino ang nagtitiwala rito.
Key Takeaway
Iyong nabasa ang mga benepisyo ng door to door delivery from China to the Philippines, sa tulong ng aming CargoBoss team! Nawa’y natutunan mo ang mga ito na maaring makapagbigay ng malaking oportunidad sa iyong online business. ‘Wag mag-atubiling i-share ang blog post na ito sa iyong mga kakilala na nais ding sumubok sa mundo ng online business.
Naghahanap ka ba nang maasahang door-to-door shipping partner? Nandito na ang CargoBoss! Basahin lamang ang iba pang impormasyon patungkol sa aming door-to-door delivery services. Kung may iba ka pang katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe rito.