Uri ng Mga Cargo na Hindi Maaaring Ipadala sa Air Freight
Ano ang mga cargo na hindi maaring ipadala sa air freight?
- Hazardous materials
- Corrosive substances
- Perishable goods
- Magnetized materials
- Biological materials
- Compressed gases
- Lithium batteries
- Firearms and ammunition
- Illicit goods
- High-value items
Overview
- Sa artikulong ito, tatalakayin ang mga cargo na ipinagbabawal sa mga air freight services.
- Mula sa mga hazardous materials hanggang sa mga biological substances at mga illegal goods, ang mga produktong ito ay nagdudulot ng panganib sa eroplano at mga taong sakay sa loob nito.
- Kung naghahanap ka ng mapagkakatiwalaang air freight service sa Pilipinas, tiyak na hindi mo dapat palampasin ang CargoBoss.
Isa sa mga bagay na kailangan ng Pilipinas ay ang reliable logistics para patuloy na umunlad ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpasok o paglabas ng mga produkto. Mahalaga ang air cargo services sa pagbibigay nang mabilis at maaasahang serbisyo. Sa pamamagitan nito, napapalago ang kalakalan at negosyo ng mga businesses—sa loob o labas man ng bansa.
Subalit, may mga cargo na hindi maaaring ipadala sa air freight dahil ito’y delikado. Kaya naman mahalaga ang pagsunod sa mga strict regulations sa pagha-handle at packaging. Alamin natin ang mga bawal na items sa artikulong ito.
Hazardous Materials
Ang mga hazardous materials tulad ng mga fireworks, mga solid at liquid products na mabilis umapoy, at mga radioactive substances. Halimbawa rito ang mga paputok, gasolina, posporo, pesticides, at uranium. Ang mga ito’y p’wedeng magdulot ng malubhang panganib tulad ng sunog, pagsabog, o contamination sa loob ng eroplano.
Corrosive Substances
Ang mga corrosive substances ay ang asido, base, at iba pa na p’wedeng makasira sa structure at mga kagamitan ng eroplano. Halimbawa nito ay ang sulfuric acid, sodium hydroxide, at mercury.
Perishable Goods
Ang mga sariwang pagkain, bulaklak, at iba pang madaling masirang bagay ay hindi angkop para sa air freight services dahil p’wedeng maantala o ma-delay ang biyahe. Gayunpaman, maaaring payagan ang ilang perishable goods kung may mabilis na pagpapadala at special packaging na kayang panatilihin ang tamang temperature at quality ng produkto.
Magnetized Materials
Ang mga magnetized materials na p’wedeng makaapekto sa navigation at communication systems ng eroplano. Kaya naman ipinagbabawal ipadala ang mga magnet na hindi naka-package dahil sa magnetic field nila na p’wedeng makasira sa important components ng aviation.
Biological Materials
Ang mga medical wastes, untreated animal skins, at anumang nakakahawang substances ay nagdudulot ng panganib sa ating kalusugan. Kaya naman hindi p’wedeng ipadala ang mga ito sa air freight. Ito ay pagsunod sa international regulations upang maiwasan ang contamination at masigurong ligtas ang loob ng eroplano.
Compressed Gases
Ang mga pressured gas tulad ng mga aerosol, fire extinguisher, at mga scuba tank ay ipinagbabawal sa mga passenger flights at may limitasyon sa mga cargo flight. Ang mga pressure changes ay maaaring magdulot ng pagkasira ng mga gases at malubhang panganib sa kaligtasan.
Lithium Batteries
Ang mga standalone lithium battery ay ipinagbabawal din sa air freight dahil sa kanilang potensyal na panganib sa sunog. Gayunpaman, karaniwang pinapayagan ang mga lithium na baterya na gamit sa mga telepono at laptops, basta't sumusunod sila sa mga tiyak na patakaran sa pagkaka-package at quantity limits nito.
Firearms and Ammunition
Bagaman maaaring payagan ang ilang mga baril sa air freight, karaniwang ipinagbabawal ang mga bala sa mga passenger flights dahil sa mga issues sa kaligtasan. Kinakailangan ang mahigpit na packaging at documentation para sa mga baril at mga related items nito upang maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access at matiyak ang pagtugon sa mga international regulations.
Illicit Goods
Ipinagbabawal din ang mga ilegal na droga, pekeng mga produkto, at iba pang mga kontrabando mula sa air freight shipment. Pinapatupad ng mga awtoridad ang strict regulations upang pigilin ang illegal transportation ng mga ito mula sa ibang bansa. Ang mga security protocols at pag-aresto ay ipinapatupad bilang pagsunod sa mga international laws.
High-value Items
Ang mga mahahalagang metal, alahas, pera, at iba pang mga high-value items ay karaniwang may limitasyon upang maiwasan ang pagnanakaw at pagkawala ng mga ito. Maaaring kinakailangan ng mga nagpapadala na gumamit ng armored transport services o special handling upang masiguro ang seguridad ng mga bagay na ito laban sa pagnanakaw o pagkawala.
Key Takeaway
Ang mga cargo na hindi maaaring ipadala sa air freight ay may dalang panganib at pinsala sa eroplano at sa iba pang cargo sa paligid nito. Kailangang maging handa ang mga nagpapadala sa mga paghihigpit na ito at sumunod sa lahat ng regulasyon upang tiyakin ang ligtas at legal na pagpapadala ng kanilang mga produkto.
Sa larangan ng international shipping, kilala ang dekalidad na air freight services ng CargoBoss. Mula sa mga items na kailangang mapadala agad hanggang sa mga mahahalagang items na nangangailangan ng special handling, kami ay nangangakong maghahatid nang mabisa at ligtas na solusyon para sa mga negosyo. Makipag-ugnayan sa amin ngayon at alamin kung paano namin pangangalagaan ang inyong cargo.