Ano Ang Cargo Forwarder Sa Pilipinas?
Ang pag-i-import at pag-e-export ay ilan lamang sa mga components ng mga negosyo sa Pilipinas upang makapag hatid ng maayos, matibay at maaasahang mga kagamitan na binibinili at tinatangkilik ng mga Pilipino. Ang international shipping ay magandang panimula para sa mga negosyo, maliit man o malaki, ngunit may mga pagkakataon na nahihirapan ang iba kung paano nila ito aasikasuhin.
Dito na papasok ang cargo forwarder sa Philippines tulad ng CargoBoss. Ngunit, nakakalito pa rin sa iba kung ano nga ba ang mga cargo forwarders. Sila ba ay mga distribution managers? Partners sa importation at exportation services? O isang shipping company?
Sa blog na ito, ating pag-uusapan kung ano ang isang cargo forwarder sa Pilipinas upang makatulong at lumago ang iyong negosyo.
Tungkulin Ng Cargo Forwarder
Ang isang cargo forwarder ang umaaktong middlemen o tulay sa pagitan ng isang shipper at iba’t-ibang transportation services tulad ng pag-ship ng mga produkto sa cargo ships. Ito rin ang nagha-handle ng mga detalye ng international shipping ng iyong mga items.
Halimbawa, ang CargoBoss ay isang cargo forwarder na nag-e-establish ng relationships sa mga carriers ng ocean liners upang makipag-negotiate tungkol sa presyo nang pagta-transport ng goods sa pinaka maganda at ligtas na ruta para mas mapabilis, makamura, at tiyak na makakarating nang maayos ang mga goods.
Samakatuwid, ang cargo forwarder ang nag-aasikaso ng logistics of shipping goods mula sa ibang bansa papasok sa Pilipinas — ito ang isa sa mga tasks na burden o mahirap para sa mga negosyante kung kaya’t nakikipag-partner sila sa isang cargo forwarder sa Pilipinas tulad ng CargoBoss.
Bakit Dapat Kang Lumapit Sa Isang Cargo Forwarder
Hindi require ang isang cargo forwarder sa pag-i-import o export ng goods. Ngunit, dapat kang lumapit sa kanila dahil marami ang mga documentations at regulations from country to country na pagdadaanan mo bago mo makuha ang imported goods mo. Maraming negosyante ang naging successful sa kani-kanilang mga business sa tulong ng cargo forwarder.
Ang CargoBoss ay subok na patungkol sa mga shipping companies, documentations, customs laws ng China at iba pa. Kaya naman sa oras na kunin mo ang aming serbisyo ay wala ka nang dapat gawin pa dahil kami na mismo ang magpo-provide ng mga ito sa murang halaga at maasahan na serbisyo. Ito rin ang nagsisilbing asset ng maraming negosyante ngayon tungkol sa international transportation of goods.
Sa paglapit sa isang cargo forwarder upang kunin ang kanilang serbisyo, magkakaroon ka ng maraming advantages tulad ng:
- Ancillary services na parte ng mga international shipping businesses
- Customs documentation
- Insurance
- Maayos na communication sa mga clients at great customer service.
Nagpo-provide rin ito sa mga consolidators pati na rin sa mga individual shippers ng:
- Bills of lading
- Warehousing
- Non-vessel operating common carrier documentation
- Methods of international payment
- Risk assessment and management
Kaya Ba Ng Cargo Forwarder Ang Complete Business-To-Business Shipping?
Ang sagot ay oo! Ito ang ginagawa namin dito sa CargoBoss. Kung ikaw ay may B2B na negosyo at gusto mong makuha ang iyong cargo sa mga business partners mo, magagawa mo ito kung makikipag-partner ka sa isang cargo forwarder na iyong maaasahan. Ang CargoBoss ay sinisiguro na ang bawat goods ng aming customers ay makakarating sa tamang destinations nito kalakip ang mga required documentations para maging hassle-free ang importation process. Kaya naman dito ka na sa CargoBoss!
Maari mong tignan ang customer reviews dito.
Paano Makakahanap Ng Maaasahan Na Cargo Forwarder sa Pilipinas
Nahanap mo na ang maaasahang cargo forwarder! Ang CargoBoss ay subok na at tinatangkilik ng maraming Filipino business owners tulad ng mga online sellers na nagsisimula pa lang sa kalakaran ng negosyo at ng mga naglalakihang korporasyon sa bansa. Makakatulong ang aming excellent importation services para sayong negosyo!
Kung naghahanap ka ng pinaka maasahang cargo forwarder na tutulong sa transportation of goods mula China to Philippines, dito ka na sa CargoBoss! Tumatanggap kami ng kahit anong produkto maliban sa mga illegal (drugs, firearms, replicas, etc.).
Ang aming affordable rates ay 10,000/CBM ALL-IN. Pro-rated ito. Ang mga packages na may bigat na 0.200 CBM pababa ay may fixed rate na P2,000. Ang aming rates ay inclusive na ang customs taxes and duties, warehouse storage fees at documentation fees. Para sa iba pang detalye, maari mong basahin ang shipping rates.
Key Takeaway
Sa blog na ito, marami kang natuklasan sa kung ano nga ba ang cargo forwarder sa Philippines. Ito ay nakakatulong upang mas mapamura at stress-free ang iyong international shipping mula sa China. Wala ka nang ibang gagawin kundi umorder sa Alibaba app, ibigay ang detalye ng iyong mga orders sa amin at kami na ang bahalang mag-handle ng importation process nito.
May iba ka pa bang katanungan? Mag-iwan ng mensahe sa CargoBoss ngayon at aming sasagutin ang mga ito! Maari mo ring bisitahin ang aming CargoBoss website pati na rin ang aming blogs upang mas magkaroon ka ng ideya tungkol sa CargoBoss — ang leading cargo forwarder in the Philippines!