Bakit Freight Forwarding ang Pinakamagandang Paraan ng Pagpapadala ng mga Items Mula China Patungong Pilipinas?

Bakit freight forwarding ang magandang paraan para magpadala ng mga items mula China patungong Pilipinas?

  1. Epektibo ito sa pagta-transport ng mga items
  2. Nasa maayos na kondisyon ang mga malalaki, mabibigat, at maramihang items
  3. Makakaasang mayroong legal na dokumento ang mga items upang hindi magkaroon ng anumang problema
  4. Maraming freight forwarding services na pagpipilian para sa iyong mga items
  5. Abot-kaya ang shipping price kahit nasa malayong lugar


Ang pagbili ng mga items mula China ay isa sa mga bagay na ginagawa ng maraming online sellers sa Pilipinas dahil mas nakakamura sila rito. Sa gitna ng mga maraming opsyon sa pagpapadala ng mga imported items papasok sa ating bansa, ang freight forwarding ay isa sa magandang paraan upang matiyak ang maayos at mabisang pagpapadala ng mga cargo.

Dahil dito, mas mainam na ipadala ang mga freight forwarding items mula China patungong Pilipinas sa tulong ng isang sea freight forwarder. Narito ang mga dahilan kung bakit mas mainam itong gawin.

Epektibo Ito sa Pagta-Transport ng mga Items

Hindi nakapagtataka kung makakaramdam nang pagkabahala ang mga online sellers kapag sila’y bibili ng mga items sa malayong lugar dahil maaring hindi nila ito makuha sa tamang oras o kaya’y matanggap nila nang wala sa maayos na kondisyon.


Mabuti na lamang at ang mga freight forwarder ay kayang mag-transport ng mga items dahil mayroon silang mabisang team na nag-aasikaso ng mga cargo items ng kanilang mga customers. Mula sa pag-aayos ng mga legal na dokumento, connections sa mga global suppliers, pagkakaroon ng mga warehouse, at pagde-deliver ng mga cargo sa mismong address ng kanilang mga customers.

Isama na rin dito ang pagiging experto at pagkakaroon ng maraming kaalaman ng kanilang team upang matiyak na nasa tama at maayos na proseso ang mga pinapadalang items. Dahil dito, nagiging epektibo silang paraan upang makabili ng mga items ang mga online sellers mula sa China at maipadala sa Pilipinas.

Nasa Maayos na Kondisyon ang mga Malalaki, Mabibigat, at Maramihang Items

Nasa Maayos na Kondisyon ang mga Malalaki, Mabibigat, at Maramihang Items

Isa sa mga rason kung bakit maraming Filipino online sellers ang nagtitiwala sa mga sea freight forwarding companies ay dahil may kakayahan itong ipadala kahit ang mga mabibigat, malalaki, at maramihang mga items na mas kilala sa tawag na “bulk items”. Ang mga items na ito’y masyadong mabigat o malaki na hindi kayang ipadala sa eroplano. Kung kaya’t hindi ito nagiging problema sa sea freight forwarding.

Ito’y posible dahil gumagamit sila ng mga malalaking barko kaya naman kayang-kaya rin nitong i-accommodate ang maramihang mga items. Kahit gaano kalaki o bigat ang iyong shipping goods, maipapadala mo pa rin ito nang walang problema o pagkabahala.

Makakaasang Mayroong Legal na Dokumento ang mga Items upang Hindi Magkaroon ng Anumang Problema

Ang pagpapadala ng mga items mula sa China patungong Pilipinas ay maaring maging bangungot kung hindi naasikaso ang mga legal na dokumento na kinakailangan upang maipadala ang mga shipping goods.

May mga legal na dokumento na kinakailangan sa pagpapadala ng cargo. Ang mga ito’y nag-iiba depende sa bansa kung saan mo binili ang mga items. Subalit, ang mga impormasyon na kinakailangan sa mga legal na dokumento ay magkakapareho lamang tulad ng:

  • Commercial invoice
  • Packing list
  • Export shipping Bill
  • Bill of lading
  • Certificate of origin
  • Letter of credit – kung kinakailangan
  • Insurance certificate
  • Declaration of hazardous cargo – kung kinakailangan

Upang maiwasan ang anumang legal na problema na maaring magdulot sa pagkaantala ng iyong mga shipping goods, tinitiyak ng mga freight forwarders na ang lahat ng mga dokumentasyon ay naasikaso’t naihanda na bago ipadala ang mga items.

Maraming Freight Forwarding Services na Pagpipilian Para sa Iyong mga Items

Maari kang pumili sa ilan sa mga sea freight forwarding services upang maidala nang ligtas at maayos ang iyong mga shipping goods. Dalawa na rito ang Less than Container Load (LCL) at Full Container Load (FCL).

Ang LCL ay ipinagsasama ang mga items ng iba’t-ibang nagpapadala nito at inilalagay sa isang container. Ito’y dahil ang kanilang mga items ay maliliit lamang. Ito’y nagbibigay ng pagkakataon sa mga negosyante, tulad ng mga online sellers, na mas makatipid at makapag-ipon ng pera nang sa gayon ay mas lumago pa ang kanilang negosyo.

Sa kabilang banda, ang FCL ay kalimitang ginagamit ng mga negosyanteng nagpapadala ng mga malalaki at maramihang items at inilalagay sa isang malaking container. Sa FCL, ang nagpapadala ang may kontrol sa container dahil solo niya lamang ito.

Alinman sa dalawang serbisyong ito ay makakatulong depende sa iyong kailangan. Kung hindi mo alam kung ano ang dapat mong piliin, tutulungan ka ng sea freight forwarder sa pagpili ng angkop na opsyon base sa iyong mga items.

Abot-Kaya ang Shipping Price Kahit Nasa Malayong Lugar

Abot-Kaya ang Shipping Price Kahit Nasa Malayong Lugar

Panghuli, ang kagandahan sa pagpapadala ng mga freight forwarding items mula China papasok ng bansa ay hindi ka masyadong gagastos kahit na marami kang ipadala o nasa malayong lugar ang iyong supplier.

At, kung ikaw ay makikipag-partner sa isang freight forwarder, magagawan nila ng paraan na mas mapamura pa ang cargo shipping rates. Sa CargoBoss, mayroon kaming mababang shipping rates na P9,500/CBM at kasama na rito ang custom taxes at duties, warehouse storage dees, at documentation fees. Kaya naman hindi mo na iisipin pa ang pag-aasikaso ng mga legal na dokumento at iba pa.

Makipag-usap lamang sa amin at kami na ang bahala sa maayos at ligtas na freight forwarding service na kailangan mo!

Key Takeaway

Sa tulong ng mga freight forwarders, ang pagpapadala ng mga freight forwarding items mula China patungong Pilipinas ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa mga negosyante. Maari rin nilang i-enjoy ang mas murang rates kumpara sa ibang shipping services.

Kung nais mong makipag-ugnayan sa isang freight forwarder, mag-iwan lamang ng mensahe sa CargoBoss. Excited na kaming asikasuhin ang mga imported goods mo at maipadala nang ligtas sa iyong address!