Bakit Dapat Alamin ng mga Online Sellers ang China to Philippines Shipping?

Bakit dapat alamin ng mga online sellers ang shipping mula sa China papuntang Pilipinas?

  1. Makakapili sila ng mas maraming produkto sa China
  2. Makakaiwas sila sa anumang hidden charges ng shipping
  3. Magkakaroon sila ng ideya tungkol sa delivery timeline ng kanilang mga packages
  4. Malalaman nila ang iba’t-ibang freight forwarding services
  5. Posible silang magkaroon ng maraming customers
  6. Makakapili sila nang pinakamahusay na freight forwarding company


Sa panahon ngayon, nagiging popular na ang online selling sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng demand ng mga tao para sa mga produktong mabibili online. Karamihan sa mga Filipino online sellers ang bumibili ng mga produkto sa China dahil mas marami silang pagpipilian at makakamura sila.

Dahil dito, importanteng malaman ng mga online sellers ang proseso ng China to Philippines shipping upang magkaroon sila ng ideya kung paano ito nangyayari at para na rin makaiwas sila sa anumang problema na maaring makaapekto sa kanilang negosyo.

Makakapili Sila ng Mas Maraming Produkto sa China

Makakapili sila ng mas maraming produkto sa China

Ang mga online sellers ay mas makakapili ng maraming produkto sa China dahil sa mas mura at competitive na presyo ng mga produkto dito. Kilala ang China sa pagkakaroon nang malawak na hanay ng mga produktong maaring mabili, mula sa mga gadget at electronic devices hanggang sa mga damit at kagamitan sa bahay.

Bukod sa murang halaga, maraming suppliers sa China na makakapagbigay sa mga Filipino online sellers ng mga nais nilang produkto. Halimbawa, ang Alibaba ay isang e-Commerce application sa China na maaring gamitin ng mga Filipino online sellers upang makapili ng mga Chinese products na nais nilang ipadala sa Pilipinas at ibenta sa kanilang mga online customers.

Sa ganitong paraan, hindi sila malilimitahan sa mga produktong maari nilang bilhin at ibenta.

Makakaiwas Sila sa Anumang Hidden Charges ng Shipping

Ang pag-alam tungkol sa shipping process mula sa China to Philippines ay mahalaga upang makaiwas ka rin sa anumang hidden charges. Kadalasan, maraming online sellers ang nagugulat sa pagdating ng kanilang mga packages dahil sa mga karagdagang bayarin tulad ng custom fees, taxes, warehouse storage, at documentation fees na hindi nila inaasahan.

Sa pagkakaroon ng kaalaman ukol dito, makakaiwas ang mga online sellers sa mga courier services na nagbibigay ng mga hidden charges. Magiging daan ito upang mas maging maganda ang kanilang karanasan sa pagbili ng mga produkto sa China sa tulong ng e-Commerce app tulad ng Alibaba.

Magkakaroon Sila ng Ideya Tungkol sa Delivery Timeline ng Kanilang mga Packages

Isa sa mga bangungot ng mga online sellers ay ang hindi pagdating ng kanilang mga packages o kaya’y delayed na dumating na nakakaapekto sa satisfaction ng kanilang mga customers. Kaya naman kung ikaw ay nagbabalak na bumili ng mga produkto sa China, mahalagang malaman mo na iba ang delivery timeline ng local at international shipping.

Hindi tulad ng local shipping na kaya ang same-day delivery o 2-3 araw na palugit bago mo makuha ang iyong mga packages, ang China to Philippines shipping ay hindi ganito. Ito’y dahil dumadaan muna ito sa proseso bago tuluyang mai-ship ang iyong mga packages patungong Pilipinas.

Kaya naman ang pag-alam sa ganito ay importante rin upang mapag-planuhan mo ang tamang araw kung kailan mo ishi-ship ang iyong mga packages at masigurong matatanggap mo ito sa napag-usapang delivery date.

Malalaman Nila ang Iba’t-Ibang Freight Forwarding Services

Kung ikaw ay may sapat na kaalaman tungkol sa pagshi-ship ng mga packages mula China papasok ng bansa, tiyak na ikaw ay magkakaroon ng ideya tungkol sa mga iba’t-ibang freight forwarding services sa Pilipinas.

Sa CargoBoss, mayroon kaming mga maasahang freight forwarding services: Less than Container Load, Full Container Load, door-to-door delivery from China to Philippines, at pabayad service. Ang mga ito’y nagbibigay-ginhawa sa mga online sellers upang mas makabili sila ng maraming produkto sa China at ibenta sa kanilang mga butihing customers.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa aming mga freight forwarding services, maari kang pumunta rito.

Posible Silang Magkaroon ng Maraming Customers

Kung ang isang online seller ay maraming produktong binebenta online, tiyak na mas makakahatak siya ng maraming customers. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mga customers online ay mapili sa mga produktong binibili nila online lalo na at sa mga litrato at videos lamang nila nakikita ang mga ito.

Kaya naman kung ikaw ay nagbebenta ng maraming produktong pagpipilian, mas maa-attract silang alamin ang mga produkto mo hanggang makapili sila nang gusto nilang bilhin. Subalit, mangyayari lamang ito kung ikaw ay may maasahang supplier ng mga produkto.

Gawin nating halimbawa ang China. Gaya sa mga naunang blog posts namin, palagi naming sinasabi na maraming suppliers sa China na nagbebenta ng mura at de kalidad na mga produkto. P’wede mo itong pakinabangan kung alam mo ang alituntunin at proseso sa pagshi-ship ng mga packages mula sa China papasok ng Pilipinas.

Makakapili Sila nang Pinakamahusay na Freight Forwarding Company

Makakapili Sila nang Pinakamahusay na Freight Forwarding Company

Matapos mong alamin ang pag-ship ng mga produkto mula sa China patungong Pilipinas, makakatulong ito upang makapili ka nang pinakamahusay na freight forwarding company sa bansa.

Narito ang mga bagay na importante mong isaalang-alang bago ka makipag-partner sa isang freight forwarding company: rates, freight forwarding services, karanasan sa larangan ng freight forwarding industry, at magandang customer service. Sa ganitong paraan, makakatipid ka at mapapabilis ang paghahatid ng mga packages.

Ang CargoBoss ay isa sa mga kilalang freight forwarding company sa Pilipinas. Nagbibigay kami ng murang shipping rate na P9,750/ CBM ALL-IN. Kasama na sa aming rate ang customs taxes at duties, warehouse storage fees, at documentation fees.

Para sa iba pang detalye, magtungo lamang dito.

Key Takeaway

Nawa’y may natutunan kayo tungkol sa China to Philippines shipping. Importanteng malaman ito lalo na ng mga online sellers na gustong lumago ang kani-kanilang mga negosyo online.

Kung may iba ka pang katanungan tungkol sa aming freight forwarding services, mag-iwan lamang ng mensahe — ang nangungunang freight forwarding company sa Pilipinas!